WIKANG FILIPINO: NOON AT NGAYON
Ano nga ba ang ibig sabihin ng wikang Filipino? Ano nga ba importansya nito? Para sa akin, ang wikang Filipino ay isang simbolo na ginagamit sa pang araw-araw. Ito ay naging opisyal na wika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XIV, Seksiyon 6 nang ipatupad ang wikang Filipino. Ginagamit ito ng mga Pilipino upang makipagkomunikasyon ng ibang Pilipino sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas. Ito rin ay ginagamit din ng mga mga mag-aaral sa iba't-ibang paaralan ng Pilipinas kapag Filipino ang aasignatura, lalo na sa mga probinsiya. Pero, kapag gumagawa ang mga mag-aaral ng mga talata, tula atbp. Hindi sila nakakaluha ng wastong paggamit ng "raw" at "daw" at tsaka "rin" at "din".
Noon, uso pa ang paggamit ng wikang Filipino. Maging sa paaralan, ginagamit ang wikang Filipino upang mas maiintindihan ng ibang mga mag-aaral sa pagsasalita ng ating wika. Kahit din sa ibang bansa, ginagamit din ang wika sa mga kapwa Pilipino na mas maging madali ang kanilang samahan kapag nag-uusap ng ating sariling wika.
Pero ngayon, nang umusbong ang pag-angat ng teknolohiya, may mga Pilipino na mahilig gumamit ng wikang Ingles kaysa sa Filipino upang mas madali ang proseso sa pakikipagkomunikasyon. Ito ay dahil sa paggamit ng internet at gadget. Halimbawa nito ay ang paggamit ng SMS (Messaging), Facebook, Twitter at iba pang mga social media.
Katulad ngayon na nandito na tayo sa ika-21 siglo, malaki ang papel ang paggamit ng wikang Ingles sa mga estudyante, partikular sa elementarya at sekondarya. Ginagamit nila ang wikang Ingles sa kanilang pagtuturo maliban sa Filipino na asignatura. Kahit sa labas ng kanilang klase, Ingles pa rin ang ginagamit at hindi binibigyan pansin ang paggamit ng atin sariling wika.
Bilang mag-aaral, dapat gamitin natin ang wikang Filipino at dapat bigyan ng pansin at kahalagahan ang paggamit nito na upabg taoy'y magkaisa sa pakikipag-komunikasyon sa iba't-ibang Pilipino. Hindi lang sa ating bansa, kung maging sa ibang panig ng bansa. Alagaan natin ang wikang Filipino sapagkat ito ay ating kultura, simbolo at maging parte ng ating buhay.
Comments
Post a Comment